Halos 3,000 empleyado ng PAL, mawawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic

154

Nasa 2,700 empleyado ng Philippine Airlines (PAL) ang mawawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa abiso ng airline company, 35% ng kanilang workforce ang tatanggalin hanggang Disyembre ngayong taon.

Ang hakbang na ito ng PAL ay upang maka-survive ang kumpanya matapos na mabawasan ang mga pasahero dahil sa mga ipinatutupad na lockdown at travel ban abroad.

Kabilang sa maaapektuhan nito ay ang mga groun-based employees, piloto at mga flight attendants.

Ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng mass lay-off ang PAL bunsod ng pandemya.

Facebook Comments