Halos 40 katao, patay sa train coalition sa Egypt

15

World – Patay ang 37 katao habang sugatan ang 123 tao sa banggaan ng dalawang train sa Alexandria, Egypt.

Ayon sa Egypt’s Health Ministry Spokesperson Dr. Khaled Mojahed, mula sa Ciaro ang isang train habang galing naman sa port said ang isa pa.

Sinabi naman ni General Prosecutor Nabeel Ahmed, na inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga biktima at inutusan na rin niya ang kaniyang mga tauhan na mag-inspekyon sa pinangyarihan ng insidente.

Agad namang nagpahatid ng pakikiramay si Egypt President Abdel Fattah El-Sisi sa pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments