Halos 400 pulis sa pangunguna ni PNP Chief Marbil at CIDG Chief Torre nagbigay ng assistance sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay dating Pangulong Duterte

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na binigyan nila ng assistance ang Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) sa pagpapatupad ng Interpol Notice laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagdating kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Hong Kong.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan nag-deploy sila ng 379 personnel sa NAIA at iba pang key locations.

Sinabi rin ni Fajardo na mismong si PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil at Criminal Investigation and Detection Group Director, Police Major General Nicolas Torre III, ang nanguna dito.


Kasunod nito, tiniyak ng Pambansang Pulisya na tumalima sila sa due process habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa dating pangulo.

Si Duterte ay sinalubong ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa crime against humanity matapos ang umano’y madugong kampanya nito laban sa ilegal na droga noong kanyang administrasyon.

Facebook Comments