
Binigyang-diin ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na aprubado umano ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang mahigit 4,000 mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama ang flood control projects.
Sabi ni Tinio, ito ang malinaw na lumabas sa deliberasyon sa plenaryo ng Kamara sa panukalang 2026 budget ng DPWH.
Ayon kay Tinio, ang pondo sa nabanggit na mga proyekto ng DPWH ay nagmula sa “unprogrammed appropriations” sa ilalim ng pambansang budget noong 2023 at 2024.
Paliwanag ni Tinio, bagama’t ang Department of Budget and Management (DBM) ang nag-aapruba sa paggamit ng unprogrammed appropriations ay nasa kamay naman ng pangulo ang approval ng lahat ng mga proyekto.
Facebook Comments








