Halos 50 patay sa mass shooting sa Christchurch, New Zealand

109

Sinimulan na ng ilibing ang ilan sa mga biktima ng mas shooting sa Christchurch, New Zealand.

Aabot sa 49 ang patay habang sugatan ang nasa higit 40 matapos ang walang habas na pamamaril ng isang gunman sa loob ng isang Mosque.

Itinuturing ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na “terrorist attack” ito.

Hawak na ng pulisya ang tatlong indibidwal kung saan isa rito ay nakasuhan na ng murder at haharap sa korte.

Pinayuhan na ang mga residente na mag-ingat at maging alerto sa paligid.

Samantala, nagpaabot na ng pakikiramay at pagkondena ang iba’t-ibang bansa sa malagim na pangyayari.

Facebook Comments