Halos 50 patay sa pagkakadiskaril ng tren sa Congo

199

Halos 50 katao ang patay matapos madiskaril ang tren sa bayan ng Mayibaridi, probinsya ng Tanganyika.

Ayon kay Humanitarian Affairs Minister Steve Mbikayi – itinuturing nilang malagim na insidente ang nangyari.


Hindi pa rin malinaw ang dahilan ng pagkakadiskaril.

Nagpapaabot na nila ang pakikiramay sa mga pamilya ng biktima.

Hindi ito ang unang beses na nangyari kung saan nasa 24 na katao ang patay matapos madiskaril ang isang cargo train sa Kasai Province.

Nitong 2017, higit 30 katao ang patay nang mahulog ang tren sa ilog sa Lulalab Province.

Facebook Comments

From Advertisers