Halos 500 kaban ng smuggled na bigas mula Myanmar, nasabat ng Customs

50

495 kaban ng Myanmar white rice ang nadikubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pantalan sa Cebu City


Ayon sa Customs, idineklara ang mga ito bilang personal effects ng consignee na nagpakilalang Theresa Lawas.

Pero sa imbestigasyonng mga tauhan ng Enforcement And Security Service ng Customs, walang resideteng Theresa Lawas sa Bgy. Pansoy.

Nagsagawa ng physical examination ang Customs sa shipment na galing Kaoshiung, Taiwan at dito na nadiskubre ang halos 500 kaban ng bigas na galing pang Myanmar.

Tinatayang nagkakahalaga ang naturang shipment ng mahigit kalahating milyong piso.

Nag-isyu na ang BOC ng warrant of seizure and detentionlaban sa naturang shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments