Halos 6,000 bakanteng pwesto sa COA, dapat mapunan agad

Pinayuhan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Commission on Audit (COA) na madaliin na mapunan ang 5,826 na bakanteng pwesto nito.

Paliwanag ni Recto, kailangan ng COA kumpletong pwersa dahil marami mga ahensya at proyekto ang kailangan nitong isailalim sa audit.

Tinukoy ni Recto, na kabilang sa mga bakanteng pwesto sa COA ay mga certified public accountant, engineer at iba pang professional.


Nabatid ni Recto na may isang libong personnel ng COA ang nakatakdang magbitiw kaya mainam din na kumuha na ito ng mga millenial para ma-orient na agad sa trabaho.

Sinabi ni Recto na base sa 2022 national budget documents ay otorisado ang COA na kumuha ng 14,102 na staff positions pero 8,276 pa lang ang napunuan nito.

Facebook Comments