Halos 8 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat ng PDEA-NCR sa isang big time Chinese drug syndicate sa Parañaque

71

Parañaque City, Philippines – Tinatayang aabot sa 8 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng PDEA-NCR.

Makaraang maaresto ang isang big time Chinese drug syndicate sa Parañaque City.

Ayon kay PDEA NCR Dir. Wilkins Villanueva Jr., matagal na nilang tinitiktikan ang suspek na Sinico Sy kaya’t nagsagawa sila ng operasoyn laban dito.

Naganap ang buy bust operation sa Macapagal Ave malapit sa isang kilalang casino, kung saan nasa 1 kilo ng shabu ang napagkasunduang bilhin.

Nang magkaabutan na ng mark money ay dito na dinakip ang suspek na todo tanggi pa sa mga akusasyon.

Narecover mula dito ang dalawang kilong shabu at ang isang milyong pisong marked money.
DZXL558

Facebook Comments