Halos 80 mambabatas, dumalo sa thanksgiving dinner ni Romualdez

69

Aabot sa halos 80 kongresista ang dumalo sa dinner na pinangunahan ni Leyte Representative Martin Romualdez sa Mandaluyong City kagabi.

Matatandaang isa si Romualdez sa kumandidato sa speakership ng 18th Congress, pero nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Taguig Representative Alan Peter Cayetano, tinanggap ni Romualdez ang majority leadership.


Kasama ni Romualdez ag kanyang asawa na si Tingog Sinirangan Party-list Representative Yedda Marie Romualdez.

Pinasalamatan ni Romualdez ang mga sumusuporta sa kanyang house speakership bid.

Ginunita rin Romualdez ang iniwang pinsala ng super typhoon Yolanda sa kanyang distrito noong 2013 at kung paano tumulong kanyang mga kasamahan para makabangon ang kanyang hometown sa trahedya.

Tiniyak ni Romualdez na buo ang kanyang dedikasyon na magsilbi sa mga nalalabing taon niya sa public service.

Kabilang din sa mga dumalo ang mentor ni Romualdez na si dating house Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang miyembro ng ibang partido at bloc.

Facebook Comments

From Advertisers