Halos 9 sa bawat 10 pinoy, masaya sa kanilang buhay batay sa SWS 4q 2018 poll

197

Halos siyam sa bawat sampung pilipino ang nagsabing masaya sila sa kanilang buhay noong ikaapat na quarter ng 2018.

 

Sa survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong December 16 hanggang 19, 2018, 87% ng mga respondent ang nagsabing sila ay masaya.

 

Mas mababa ito ng pitong puntos mula sa 94% na naitala noong December 2017.

 

Sa nasabing bilang, 39% ang nagsabing sobrang masaya sila habang 48% ang fairly happy.

 

Samantala, lumabas din sa survey na 82% ng mga pinoy ang “very/ fairly satisfied” sa kanilang mga buhay na sampung puntos namang mas mababa kumpara sa 92% na naitala noong December 2017.

 

Ang survey ay nilahukan ng 1,400 respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview.

Facebook Comments