Halos 900 myiembro ng NPA na-neutralisa ng militar

Umabot sa 871 miyembro at tagasuporta ng New People’s Army (NPA) ang na-neutralisa ng pamahalaan mula Enero 1 hanggang Hunyo 12, 2025.

Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 776 ang boluntaryong sumuko, 44 ang naaresto, at 51 ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon ng militar.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla nakakumpiska rin ang tropa ng pamahalaan ng 490 piraso ng baril at 257 anti-personnel mines.

Nadismantle rin ang 80 kampo ng NPA sa kaparehong panahon.

Samantala, 112 myembro at tagasuporta ng local terrorist groups ang na-neutralize rin sa parehong panahon kung saan 103 ang sumuko, dalawa ang naaresto, at pito ang napatay.

Kasama rin sa mga nakumpiska mula sa LTGs ang 123 armas, 5 anti-personnel mines, at 5 kampo ang nakubkob.

Facebook Comments