HALOS 90K HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, KUMPISKADO SA TATLO KATAO SA BUY BUST OPERATION SA DAGUPAN CITY

Umaabot sa halos 90k halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa tatlo katao sa ikinasang Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Dagupan City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Arvin Velasquez, Reynante Valerio at Richmond Mostoles, pawang mga residente ng Dagupan City.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa mga suspek pasado alas onse ng Gabi sa Brgy. Pantal na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga ito ng mga sumusunod: 13 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 12 grams at nagkakahalaga ng mahigit 81k, isang plastic bag na naglalaman ng Marijuana Fruiting Tops na nagkakahalaga ng halos apat na libo, at Ilan pang mga Illegal Drugs Paraphernalia.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments