HALOS DALAWANDAANG LIBONG PUNO, NAITANIM SA ILALIM NG GREEN CANOPY PROGRAM

Naitanim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang nasa 195,777 na punla sa ilalim ng nagpapatuloy na Green Canopy Program.

Sa datos, karamihan dito ay naitanim sa uno distrito kung saan umabot na sa 108,701

Layunin ng proyekto na hikayatin ang komunidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagtatanim ng mga puno.

Kabilang sa mga itinatanim ay bakawan, kawayan, at mga punong namumunga tulad ng calamansi, atis, langka, abokado, at guyabano.

Sa panahon ng El Niño noong 2024, umabot sa 50°C ang heat index ng Pangasinan, na lalong nagbigay ng kahalagahan ng green initiative para sa kinabukasan ng kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments