HALOS ISANG DAANG ASPIRING PHYSICIANS, SASAILALIM SA LICENSURE EXAMINATION

Nakatakdang isagawa ang Physicians Licensure Examination sa darating na March 30-31, at April 6-7, 2025 sa Carmay Elementary School, Brgy. Carmay East, Rosales, Pangasinan.

Sasailalim sa naturang eksaminasyon ang kabuuang siyamnapu’t-isang (91) aspiring Physicians sa Region 1.

Pinaalalahanan ng Professional Regulation Commission (PRC) Region 1 ang mga kukuha ng pagsusulit na dalhin ang mga kinakailangang gamit sa araw ng eksaminasyon.

Hinimok din ang mga ito na aralin ang impormasyong nakalagay sa NOA at bisitahin ang kanilang official website na www.prc.gov.ph tatlo hanggang limang araw bago ang examination upang maiwasan ang anumang aberya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments