Halos isang milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa Cagayan De Oro

103

Cagayan De Oro, Philippines – Tinatayang isang milyong halaga ng shabu, nakumpiska ng kapulisan sa Cagayan De Oro.

Nakumpiska ng kapulisan ng Cagayan De Oro ang tinatayang isang milyong halaga ng shabu sa kanilang isinagawang drug buy bust operation.

Isinagawa ng kapulisan ng Cogon at Macabalan ang operasyon sa Celrai district 7, barangay Puntod kagabi.

Naaresto ang dalawang suspek na sina Omair Ampatua, 38 anyos na taga Baloi, Lanao Del Norte at Ruzzelle Jeane Cabahug, 18 anyos na taga Dabong, Valencia City, Bukidnon.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang libong piso na buy bust money, tinatayang isang daang gramo ng shabu at timbangan.

DZXL558

Facebook Comments