Halos kalahati ng COVID-19 cases sa Pilipinas, may edad 20-39, ayon sa DOH

107

Halos kalahati ng COVID-19 cases sa Pilipinas ay kinabibilangan ng age group na nasa 20 hanggang 39 taong gulang.


Sa datos ng Department of Health (DOH) nitong August 10, mula sa 138,638 cases ay aabot sa 67,961 ang may edad 20 hanggang 39.

Karamihan ay naitala sa Metro Manila at Cebu City.

Aabot sa 40,035 cases o 29% ay nasa age group na 40 hanggang 59 years old.

Nasa 16,517 cases o 12% ay mula sa senior citizens o may edad 60 years old at pataas.

Lumalabas din sa mga datos na karamihan sa mga namamatay sa COVID-19 ay mga senior citizens.

Facebook Comments