Halos kalahating milyong deboto, dumagsa sa dalawang pangunahing kalsada papuntang Quiapo Church

183

Aabot na sa halos kalahating milyong deboto ng Itim na Nazareno ang dumagsa sa dalawang pangunahing kalsada na papunta sa Quiapo Church.

Ayon kay Manila Police District Director Police B/Gen. Leo Franciso, bagama’t hindi pa maihahalintulad sa “Dagat ng tao”, nasa 400,000 na ang bilang ng mga bebotong nasa Quezon Boulevard at Carlos Palanca Street.


Kasabay nito, tiniyak ni Francisco na organisado ang pagsasagawa ng Traslacion 2021 kung saan nakiisa naman ang mga deboto sa mga ipinatutupad na health protocol ng pamahalaan at Department of Health (DOH).

Wala pa ring naitatalang anumang untoward incident o anumang hindi magandang pangyayari sa paligid ng Quiapo.

Bantay sarado rin ang mga kalye papasok ng Quiapo area kung saan may mga kanya-kanyang nakatalagang mga pulis.

Facebook Comments