HALOS LAHAT NG BAYAN SA PILIPINAS, IDINEKLARANG PERSONA NON GRATA ANG MGA NPA

35

Umaabot na ng 80% ng mga bayan at siyudad sa buong Pilipinas ang nag deklara ng persona non grata ang mga miyembro ng CPP-NPA- NDF.

Sa naging panayam ng Ifm Dagupan kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sinabi nito na ikinatutuwa nila na marami na sa mga bayan ang nagpapahayag ng hindi welcome ang presensiya ng NPA.


Bagamat hindi umano sapilitan ang pag deklara ng persona non grata marami pa rin ang nagpapakita ng kagustuhan na wakasan na ang ideolohiya ng NPA.

Samantala sinabi naman nito na ang buong Ilocos Region lalo na ang Pangasinan ay matagal ng insurgency free.

Facebook Comments