Halos P1-M na halaga ng ilegal na droga, nasabat ng awtoridad sa buy-bust operation sa Cavite

Nasabat ng Station Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police Station ang P100,000 halaga ng illegal drugs sa Barangay Dulong Bayan, Bacoor, Cavite.

Apat na sachet na may 15 gramo ang nakuha sa isang 43-anyos na lalaki na nasa kustodiya na ngayon ng Bacoor City Police.

Samantala, sa isa pang buy-bust operation sa Bacoor, Cavite, nasabat din ang P680,000 ng pinaghihinalaang shabu.


Aabot sa 100 gramo ang nasabat na pinaghihinalaang shabu mula sa inarestong lalaking na taga Bacoor, Cavite, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Bacoor City Police.

Ang nasabing suspek ay mahaharap sa kasong paglabas sa Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Facebook Comments