Naharang ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa koordinasyon sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong abandonadong inbound parcel na naglalaman ng mga ilegal na droga sa isang cargo facility sa Barangay Vitalez, Paranaque City.
Ang mga nasabing parcel ay naglalaman ng tinatayang 4,046 gramo ng Ecstasy at 3,596 na gramo ng Shabu na may kabuuang halaga na P29.7 milyong.
May tinitingnan na ang mga imbestigador na tatlong lokal consignees na may kaugnayan sa nasabing mga shipments.
Habang ang mga parcel ay nagmula sa mga foreign shippers sa Germany at Zambia.
Kaugnay nito, walang naarestong mga indibidwal dahil ang mga nasabing parcel ay abandonado.
Samantala, na-turnover na sa PDEA ang mga nakuhang ilegal na droga para sa tamang disposisyon.










