Halos P300-k na halaga ng shabu, narekober sa isang drug den sa Makati City

Manila, Philippines – Aabot sa pito katao ang arestado saisinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug EnforcementAgency (PDEA) at Philippine National Police sa Sampaloc Street, Barangay Cembo,Makati City.
  Sa inilabas na statement ng PDEA, aabot sa 70 gramo ngshabu na nagkakahalaga ng P280,000 ang nakumpiska nila sa bahay ng hinihinalangdrug group leader na si Marites Lucero, alias Tikya at Mary Joy Reyes sanasabing barangay.
 
  Bukod kina Lucero at Reyes, huli din sina Rosalie Madrid,Jaime Benzon, Michelle Bucal, Alden Villahermosa at Jaypee Anog.
 
  Ayon sa PDEA, mahaharap sa patong-patong na kaso si Lucerona may kaugnayan sa ilegal na droga.

Facebook Comments