Halos P5-milyong halaga ng shabu, nasabat sa isang drug lord sa Cebu; droga – pinaniniwalaang galing sa bilibid

Cebu – Nasa 4.7-milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan PDEA-Central Visayas mula sa isang drug lord sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ang suspek na si Marietta Fernandez Celerio, tindera ng kabibe at part-time dealer ng shabu.

Sa operasyon, isang tauhan ng PDEA ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang magkaabutan ng bayad, doon na pinosasan si Celerio.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang posibilibab na galing sa bilibid sa Muntinlupa ang shabu.

Noong Linggo, isa ring barangay chairman sa isang barangay sa Badian, Cebu ang naaresto dahil sa droga.

Sinasabing galing ang shabu sa asawa nitong nakakulong sa Bilibid.

Facebook Comments