Halos P500,000 na halaga ng shabu, nakumpiska sa Muntinlupa

55

Halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang suspek sa buy-bust operation sa Muntinlupa City.

Ang mga suspek na sina Ramil Geremillo at Marcelino Obzunar, kapwa nasa hustong gulang, residente sa nasabing lungsod ay nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nakuha sa dalawang suspek ang anim na pakete na naglalaman ng 70 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P476,000 at P1,000 buy-bust money.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala na sa Southern Police District- Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Ang dalawang suspek ay nasa custodial facility ng pulisya.

Facebook Comments