HALOS SAMPUNG BILYONG HOSPITAL CLAIMS SA ILOCOS REGION, BINAYARAN NG PHILHEALTH

Umabot sa halos PHP9.3 bilyon ang binayaran ng PhilHealth para sa in-patient hospital claims sa Rehiyon ng Ilocos noong 2024 — higit doble umano iyn kumpara sa PHP3.8 bilyon na nakolekta mula sa kontribusyon ng mga miyembro.

Kabilang sa mga karaniwang sakit na saklaw ng claims ay pulmonya, altapresyon, dengue, gastroenteritis, ulcer, impeksyon sa ihi at paghinga, at komplikasyon sa panganganak.

Nitong Mayo 2025, aabot na sa PHP6.3 bilyon ang binayaran ng PhilHealth sa rehiyon, habang PHP1.7 bilyon pa lamang ang nalilikom.

Sa kabila ng kakulangan, tiniyak ng mga opisyal na umaabot lang sa 14 na araw ang proseso ng pagbabayad ng claims.

Nanatili naman umanong matatag ang pondo ng PhilHealth, na may mas mataas na suporta sa claims sa mga pampubliko at pribadong ospital. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments