Halos sampung gramo ng iligal na droga, nakumpiska sa ikinasang buy bust operation sa Tondo, Manila

Kalaboso ang isang lalaki matapos na ikasa ng MPD Station-7 ang drug buy bust operation sa Tondo, Manila.

Nakilala ang nadakip na si Sandy Saburdo, 37-anyos, walang trabaho at residente ng P. Garcia Street sa Tondo.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagbebenta ng iligal na droga ng suspek.


Nasakote ang suspek sa may bahagi ng Moriones malapit sa kanto ng Juan Luna Street kung saan tatakbo pa sana ito pero nakorner na ng mga pulis.

Nakumpiska sa suspek ang anim na sachet ng shabu na may bigat na halos sampung gramo at nagkakahalaga ng ₱68,000.00.

Aminado si Saburdo na nagbebenta ng iligal na droga upang magkaroon ng panggastos sa araw-araw lalo na’t hirap sa buhay dahil sa walang makuhang maayos na trabaho.

Facebook Comments