Hamong debate ni Roque, tinanggihan ni Del Rosario

117

Hindi kumagat sa imbitasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario para makipagdebate sa mga usaping patungkol sa West Philippines Sea.

Ayon kay Del Rosario, ang debateng ipino-promote ni Roque ay hindi mabuti para sa mga Pilipino dahil pinapalabas lamang nito sa buong mundo na hindi nagkakaisa ang bansa.


Kinuwestyon din ni Del Rosario ang kredibilidad ni Roque bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa halip na magkaroon ng debate patungkol sa WPS, himimok ni Del Rosario ang pamahalaan na makinig sa mga hinaing ng mga Pilipino.

Facebook Comments