Hanay ng PNP Internal Affairs Service, nililinis

Manila, Philippines – Nililinis rin ngayon ng pamunuan ng PNP Internal Affairs Service ang kanilang hanay.

Ayon kay PNP IAS Inspector General Alfegar Triambulo, sa ngayon hindi lang ang mga tiwaling pulis ang kanilang winawalis sa organisasyon sa halip maging ang kanyang mga sariling tauhan.

Inamin ni Triambulo na ilang tauhan ng PNP IAS ang sangkot din sa katiwalian.


Ito aniya ang dahilan kung kaya panay ang kanyang ikot sa mga tanggapan ng IAS at binubuklat ang lahat ng mga kaso.

Nakagugulat ayon kay Triambulo dahil noong 2015, sa libu-libong kaso na isinampa sa IAS, 80 percent sa mga kaso ay naibasura dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Kaya sa ngayon mahigpit aniya ang kanyang ginagawang background investigation sa mga pumapasok ngayon sa PNP Internal Affairs Service.
DZXL558, Rea Mamogay

Facebook Comments