Handa ang DOJ na panagutin ang mga negosyanteng nagsasamantala sa pamamagitan ng pag-overprice sa presyo ng N95 mask

54

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na kanilang aaksyunan agad ang ano mang reklamong ihahain ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa kalihim, bagamat maari naman anyang mag-imbestiga ang Department of Justice (DOJ) o ang NBI laban sa mga mapagsamantalang negosyante, mas makabubuting ang DTI na muna ang gumawa ng paunanag hakbang.


Una nang nahuli ng DTI ang pitong tindahan sa Maynila na nadiskubreng may overpricing sa bentahan ng kanilang panindang face masks kung saan sila ay pagpaliwanagin sa isyu ng profiteering at overpricing.

Facebook Comments
From Advertisers