HANDA | EPD nakahandang umagapay sa mga LGUs sa epekto ng masamang lagay ng panahon

14

Manila, Philippines – Inatasan ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang lahat ng chief of police sa lahat ng syudad na sakop ng EPD na maging handa sa pagtulong sa mga lokal na pamahalaan ngayong patuloy na nakararanas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng masamang lagay ng panahon.

Ayon sa EPD naka alerto ang lahat ng kanilang asset at personnel saka-sakaling kailanganin ng rescue ng mga LGUs.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng rescue units ng mga lungsod ng San Juan, Pasig, Marikina at iba pang sakop ng eastern part ng Metro Manila.

Kasunod nito mahigpit narin ang pagmo-monitor ng EPD sa mga mabababang lugar para sa posibilidad ng pagbaha at kooperasyon sa bawat LGUs.

Facebook Comments