HANDA | MMDA, nakahanda na sa gaganapin na bar exam ngayong buwan

27

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa nalalapit na 2018 bar examinations sa November 4, 11, 18 at 25.

Ayon sa MMDA, ipapakalat nila ang aabot sa 64 na traffic enforcers sa bisinidad ng University of Santo Tomas (UST) para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.

Maghahanda rin anila sila ang apat na bangka, tatlong truck at dalawang ambulansya.

Tiniyak naman ng MMDA na walang gagawing road repair sa paligid ng UST sa mga nabanggit na petsa.

Facebook Comments