HANDA NA | Pambansang Kamaong Manny Pacquiao handang-handa na kontra kay Lucas Matthysse

90

Malaysia – Hindi lamang ang bagong titulo ang nakataya kundi pati na rin ang desisyon kung lalaban o tuluyan nang magpapaalam sa ring si Manny Pacquaio sa kaniyang pagharap kay WBA Welterweight champion Lucas Matthysse bukas.

Ayon sa Pambansang Kamao, makakatulong ang laban niya sa Argentine champion para makapagdesisyon siya para sa hinaharap.

Target ni Pacman na patulugin si Matthysse bukas, bagay na huli niyang nagawa sa kalaban noon pang 2009.

Dagdag pa ng 8-time weight champion handang-handa na siya sa laban laban kay Matthysse at inaasahan na niya ang matinding laban sa ibabaw ng ring.

Huling lumaban si Pacman noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan natalo siya kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

Facebook Comments