HANDA | Senate sergeant at arms, nakahanda na kaugnay sa posibleng pag-aresto kay Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Handa na ang Senate sergeant at arms sakaling maglabas ng arrest order ang Makati Regional Trial Court o RTC branch 148 laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Senate Sergeant at Arms Chief Retired General Jose Balajadia, kasado na ang kanilang plano pero kikilos lang sila kapag may nakipag-ugnayan nang arresting officer.

Ayon kay balajadia, kapag may koordinasyon na sa kanila ay agad nila itong irereport kay Senate President Tito Sotto III at maghihintay sila ng deriktiba.


Base sa mga unang pahayag o kautusan ni Sotto, pinapaingatan nito ang integridad ng Senado.

Nais ni Sotto na huwag sa loob ng Senado arestuhin si Trillanes na nangako namang hindi papalag at sasama ng maayos.

Si Trillanes naman ay dumating dito sa Senado bandang ala-una ngayong hapon pero tumanggi siyang magbigay ng anumang komento kaugnay sa posibleng maging desisyon ni Makati RTC branch 148 judge Andres Soriano.

Facebook Comments