Handbook for OFWs act, batas na!

368

Manila, Philippines – Ganap ng batas ang handbook for OFWs act.
Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11227 o “handbook for OFWs Act of 2018” noon pang February 22.

Inamyendahan ng bagong batas ang Republic Act no. 8042 o “migrant workers and overseas filipinos act of 1995.”

Layon nito na pagkalooban ng mga handbook ang mga overseas filipino worker na naglalaman ng kanilang mga karapatan at benepisyo.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng kaalaman ang mga OFW tungkol sa kanilang mga benepisyo sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Nakasaad din sa handbook ang impormasyon tungkol sa kondisyon ng pagtatrabaho at pamumuhay sa bansa na kanilang pupuntahan.

Ang pondo para sa publication, distribution at update ng OFW handbook ay kukunin sa pondo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Makakatuwang ng POEA sa pagpapatupad ng batas ang Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Commission on Filipinos Overseas (CFO) at Maritime Industry Authority (MARINA).

Facebook Comments