Hanggang piso na bawas sa diesel at ₱0.70 na dagdag sa gasolina, asahan sa susunod na linggo

93

Asahan ang muling paggalaw ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa oil industry source, maglalaro sa ₱0.80 hanggang ₱1.00 ang posibleng rollback sa kada litro ng diesel.

Habang nasa ₱0.50 hanggang ₱0.70 naman ang naka-ambang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.


Ngunit ayon sa Department of Energy (DOE) ay asahan ang humigit kumulang pisong rollback sa diesel at kerosene.

Ayon sa DOE, bunsod ito ng pagbawas ng konsumo ng LPG sa Amerika at ng ibang bansa sa Europa.

Facebook Comments