Harana ng mga pulis sa Valentine’s Day isinasagawa sa Cubao MRT station

104

Ramdam na ramdam ang Valentine’s day sa Cubao MRT-3 station.

Hinarana kasi ng mga pulis na mula sa Kampo Krame at Quezon City Police District (QCPD) ang mga kadalagahan, mga nanay at lola na commuter ng tren.


Kinilig ang mga dalaga na inabutan pa ng bulaklak ng mga pulis.

Ang ilan naman ay isinayaw pa ang mga dalaga sa saliw ng mga love songs na ikinanta ng banda.

May pakulo din ang isang kumpanya ng cards na namigay ng libreng cards sa mga single na kumukuha ng ticket sa Cubao MRT-3.

Facebook Comments