Harapang Donaire at Oubaali, kasado na sa Mayo

56

Haharapin ni four-division world champion Nonito “Filipino Flash” Donaire Jr., si WBC world bantamweight champion Nordine Oubaali sa Mayo 29, 2021.

Inaasahan ng kampo ni Donaire na gagawin ang tapatan ng dalawa sa Connecticut o sa California.


Unang haharapin sana ni Donaire si Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico sa Amerika noong Disyembre 19, 2020 pero nagpositibo ito sa COVID-19.

Huling lumaban si Donaire noong Nobyembre 2019 nang talunin siya ni Naoya Inoue sa pamamagitan ng unanimous decision.

Facebook Comments