Harden, naghari sa laban kontra Jazz; Celtics, panalo laban sa Pacers

22

Naghari si Houston Rockets guard James Harden at kumubra ng 29 points at 10 assists para ipatumba ang Utah Jazz sa nagpapatuloy na NBA Playoffs Western Conference.

Walang nagawa ang Jazz matapos manalo ang Rockets sa iskor na 122 – 90.


Ayon kay Harden – kinailangan nilang maging agresibo at paigtingin ang depensa para panalo.

Bunsod nito kinakailangan ngayon ng Jazz ng bagong istratehiya para mabantayan si Harden.

Samantala, Eastern Conference, panalo ang Boston Celtics kontra Indiana Pacers, 84 – 74.

Kapwa nakapag-iskor sila Celtics player Kyrie Irving at Marcus Morris Sr. ng 20 points.

Ayon kay Irving– susi sa kanilang panalo ang hindi pagpapadala sa pressure.

Muling maghaharap ang Celtics at Pacers sa Huwebes, April 18, oras sa Pilipinas, maging ang Rockets at Jazz.

Facebook Comments

From Advertisers