Hashtag dancer na si Nikko Natividad, nabiktima sa investment scam

123

Inamin ng Hashtag member na si Nikko Natividad na isa siya sa nabiktima ng investment scam.

Sa kaniyang Instagram, ipinost ni Nikko ang report tungkol sa isang babaeng nagngangalang Shagoptha “Sha” Punzalan ang inaresto ng NBI dahil sa investment scam.


Say ng dancer/actor, nasa apat na milyong piso na bunga ng pag-iipon at hirap sa pagtatrabaho ang nakuha sa kaniya.

Aniya, kahit alam niyang maraming magagalit sa mga tulad niyang biktima ay pinili niyang magsalita para makatulong at hindi na maulit ang panloloko sa iba.

Pag-amin ni Nikko, dumanas siya ng depresyon dahil sa nangyari kung saan hindi na niya inaasahan na mababawi pa ang kaniyang pinagpaguran.

Sa ngayon ay hiling lang daw niya ay hustisya sa insidente.




Facebook Comments