HAZARD MAPPING MGA BARANGAY NG ALAMINOS CITY, ISINAGAWA

Pinaiigting ng Alaminos City Disaster Risk Reduction and Management Office ang disaster response sa mga hazard-prone areas sa bawat barangay tuwing may sakuna.

Sa isinagawang Barangay-Based Hazard Mapping Project, natukoy ang mga lugar na lubos apektado ng kalamidad tulad ng pagbaha, lindol at landslide sa tulong ng Geographic Information System o GIS Technology.

Layunin nitong makabuo ng epektibong mitigation strategies sa mga lugar batay sa hazard na natukoy dito kaisa ang mga barangay council sa implementasyon upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.

Ang hazard map na nabuo mula sa proyekto ay ituturo sa mga komunidad at gagamitin para sa emergency planning at resource allocation ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments