Nagbabala ang Bangar Municipal Environment and Natural Resources sa La Union sa posibleng pagsasara ng mga ilegal junk shop at furniture shop dahil sa posibleng epekto sa komunidad ng. ilang kagamitan ng mga ito sa pagnenegosyo.
Ayon sa tanggapan, hazardous materials na pinagmumulan ng kontaminasyon sa lupa, tubig at hangin gayundin sa wood waste o patapong kahoy ang kadalasang napupunta sa mga naturang establisyimento na maaaring makaapekto sa kapaligiran at mga karatig komunidad kapag hindi maayos ang handling.
Dahil dito, isang ordinansa ang iminungkahi ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang hindi magandang epekto ng mga dumi sa paligid at nagtatakda ng striktong pagsunod sa pagkakaroon ng business permit bago makapag-operate.
Kaugnay nito, pinaiigting ng tanggapan ang monitoring sa bawat barangay sa compliance ng business owners sa itinakdang regulasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨