Health and safety rules para sa 2022 elections, inilabas ng COMELEC

99

Naglabas ang Commission on Elections (COMELEC) ng mga health and safety rules para sa mga board of canvassers sa 2022 election.

Batay sa Resolution 10731, lilimitahan ang bilang ng mga taong papayagang makapasok sa canvassing venue para masiguro ang social distancing.

Papayagan lang na makapasok ang isang representante ng bawat partido at isa ring representante ng independent candidate.


Isang counsel sa bawat kandidato at watcher lamang din ang papayagan sa canvassing venue.

Kailangan ding fully vaccinated na kontra COVID-19 ang mga board of canvasser habang oobligahin namang sumailalim sa antigen test ang mga hindi pa nakakumpleto ng bakuna.

Facebook Comments