HEALTH CARE MISSION SA PANGASINAN, ISINAGAWA

Naganap ang isang Health Care Mission sa lalawigan ng Pangasinan na naglalayong maghandog ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga Pangasinense.
Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Physicians of Peace Philippines at iba pang mga kasamang ahensya.
Ilan sa mga saklaw ng Health Care Mission ay ang eye care o screening, pamamahagi ng mga eye glasses at cataract operation.

Kasama rin ang hearing screening at namahagi rin ng sampung hearing aids. Naisagawa rin ang ilang minor surgeries, cleft lip operation, breast at cervical screening at pagbibigay ng wheelchair.
Ilang mga Pangasinense ang nakinabanang sa serbisyong handog ng aktibidad ng Health Care Mission at pangkalahatang naging matagumpay ang pagganap nito. |ifmnews
Facebook Comments