Health expert, nagbabala na posibleng matulad ang Pilipinas sa India

167

Nababahala ang health expert na si Dr. Anthony Leachon na posibleng magaya ang Pilipinas sa kinakaharap na health crisis ngayon sa India dahil sa B.1.617 na COVID-19 variant.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Leachon na dahil sa mabagal na pag-aksyon ng pamahalaan sa pagpapatupad ng travel ban sa India, posibleng nakarating na sa bansa ang double mutant variant.

Giit ni Leachon, bakuna lamang ang tanging panlaban sa nasabing variant na mas mapanganib at mas transmissible kaya dapat lalong palakasin ng pamahalaan ang ipinapatupad na estratehiya sa pagbabakuna.


Batay sa tala ng World Health Organization (WHO), 17-bansa na ang kumpirmadong may kaso ng India COVID variant kung saan pumalo na sa 3.1 milyong katao worldwide ang namatay sa nasabing variant.

Facebook Comments