Health Sec. Francisco Duque III, paiimbestigahan kung bakit may nabakunahan ng Sinovac na wala sa priority list

492

Paiimbestigahan ni Health Secretary Francisco Duque III kung may nalabag sa priorization guidelines sa pagroll-out  ng Sinovac vaccine na donasyon ng China.

Tugon ito ni Secretary Duque sa paglitaw ng isyu na may mga pulitiko at hukom na nagpabakuna kahit wala naman sa priority list.


Ani Duque, aalamin niya kung bakit ang mga ito ang nauna bago ang mga healthcare workers.

Halos 17 percent lang na mga healthcare workers ang kayang mabakunahan ng 600,000 doses ng Sinovac.

Ipinagtanggol naman ni Duque sina Vaccine Czar Carlito Galvez, MMDA Chairman Benhur Abalos at Chief Implementer Vince Dizon na nagpabakuna sa Sinovac.

Aniya, layon nito na maitaas ang vaccine confidence ng publiko na nag-aalangang magpaturok ng COVID-19 vaccine.



 

######


Facebook Comments