Health Secretary Francisco Duque III at Defense Sec. Delfin Lorenzana, kapwa naka-quarantine ngayon

325

Kasalukuyang naka-quarantine si Health Secretary Francisco Duque III matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa niyang staff noong nakaraang linggo.

Ayon kay Duque, ngayong araw ay sasailalim siya sa COVID-19 test at mananatili siya sa quarantine hanggang Enero 8.

Sa ngayon, wala naman aniya siyang nararanasang sintomas ng sakit.


Kasunod nito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalihim na hindi dapat magkasakit si Duque.

Bukod kay Duque, naka-quarantine din ngayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos magpositibo ang apat na kasama nito sa bahay.

Facebook Comments