Health Secretary Francisco Duque III, posibleng ngayong kalagitnaan ng Marso magpaturok ng COVID-19 vaccine

33

Posibleng ngayong kalagitnaan ng Marso magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Duque, gusto muna niyang i-prayoridad na mabakunahan ang mga indibidwal na exposed sa COVID-19 partikular ang health care workers na nag-aalaga ng mga COVID-19 patients.


Inaasahang magpapabakuna si Duque ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca na pwede sa mga senior citizen.

Una nang sinabi ni Senator Bong Go na dapat ay magpapaturok na noon si Duque ng Sinovac vaccine pero hindi ito pinayagan ng Department of Health dahil hindi pwede ang bakuna sa mga edad 60 pataas.

Facebook Comments