Health workers, dapat magpabakuna na sa harap ng paglutang ng bagong COVID-19 variants – OCTA Research

38

Inirekomenda ng OCTA Research Team sa healthcare workers na agad silang magpabakuna dahil sa mabilis na pagkalat ng UK COVID-19 variant.

Ayon kay OCTA Research Molecular Biologist Dr. Nicanor Austiaco, ang COVID-19 cases sa Metro Manila ay posibleng umabot sa 280,000 cases dahil sa B117 o ang UK variant.


Mahalagang mapalakas ng mga health workers ang kanilang immunity mula sa virus lalo na at nagkaroon na rin ng kaso ng B.1.351 o South African variant sa Pasay City.

May posibilidad pa ring makontrol ang pagkalat ng COVID variants kung magsasagawa lamang ng containment ang mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments