Health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 12,412

41

Umabot na sa 12,412 ang bilang ng health care workers na tinamaan ng COVID-19.

Ito ang naitala ng Department of Health (DOH) makaraang maitala ang 391 na bagong kaso.


Sa datos ng DOH, nasa 12,083 na ang health workers na gumaling habang umakyat sa 75 ang namatay.

Nasa 235 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment of quarantine.

Ang limang medical professions na may mataas na COVID-19 cases ay nurses (4,420 infections), doctors (2,122), nursing assistants (947), medical technologists (612), at midwives (390).

Nasa higit 500 non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff ang kasama sa tally.




Facebook Comments