Healthcare workers na apektado ng deployment ban, dapat i-hire ng pamahalaan

64

Iginiit ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva sa Department of Health (DOH) na magpatupad ng emergency hiring para sa healthcare workers na apektado ng deployment ban na umiiral ngayon.

Paliwanag ni Villanueva, layunin ng deployment ban ang palakasin ang healthcare system natin.


Kaya naman diin ni Villanueva, dapat ay kaakibat ng order na ito ang pagkuha sa healthcare workers para maglingkod sa bayan.

Sinabi ni Villanueva na matagal na nilang hiling sa Inter-Agency Task Force (IATF) na paigtingin ang pagbibigay trabaho sa healthcare workers.

Umaasa si Villanueva na ngayon ay maisasakatuparan na ito lalo’t sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 ay binibigyan ng mandato ang DOH para kumuha ng dagdag na healthcare workers.

Facebook Comments